I'm worth being me. name: eirah ople (call me 'AYA' pls) age: 15 location: philippines school: kostka qc barkada name: PARCK M&M JZ favorites: color BLUE, BLACK and ORANGE!... superman... music!.. etc.. oh, and pooh bear! ;) Kim's blog | Zet's site | Add me at Myspace! | My sis'(Isabel's) blog | Mau-Mau's blog | Emong's blog | Jenn's blog | my barkada!(kaso kulang) Welcome to Aya's blog!!
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

I love Pixel Text!

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Wednesday, July 20, 2005
ui! nag-post ako. whoa.

Belated HAPPY BIRTHDAY TO KATE MANIEGO and Gian Maglasang(July11)!! And HAPPY BIRTHDAY NGA PALA TO ME.(inextra eh no.)(JULY 20)

Hala. Feeling ko ang tanda ko na. Uy! Nag-update din ako after a millenium. Wala, na-tripan ko lang. Ang saya ngayong araw kasi I feel loved. Sobra. Thanks sa mga taong nagbigay sakin ng gifts! Love you guys! *mwah* Grabe, feeling ko this is the best birthday, ever. I'm happy. Onga pala, I'll share with you something na nakuha ko. Wait. Diba nakita nyo na to sa blog ni Kim? Eto naman ang GIRL VERSION.

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO...
(tugon kay redrope)
by xristel



Ano ba itong si redrope?

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake,
agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi
maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa
ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-
ibig,
kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami
ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at
iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti
pagkakamalan ka nang malandi. Hindi
pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na
malakas kang mags alita, palengkera ka na. T.O.
kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa
mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita
na
kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at
gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel
ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa
raw ang mahilig mamili?

Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot
ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.

Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get"naman ang tingin sa iyo.

Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing
magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay
niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto
kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala
na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na
ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para
lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang
mabili ito kailangan munang magsakripisyo,
magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan
wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi.

"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag
may gusto akong ipagawa sa iyo."


Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na
loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa
panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit
pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at
laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang
humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang
nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa
iyo

"demanding" ka.

Meron ka pang maririnig na

"I think we need space"

at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing
di dapat kami magpakabait, maging devoted at
faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga
iyan,
iba na ang tingin sa amin.

Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at
kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa
amin

Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo
eh,
macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami,
walang
magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano
pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala
namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand
namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang
namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo
kami, icheck at ipakita s a amin na mahal niyo
kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa
amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity
wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature
sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh,
isip
15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age
group.
Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng
level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati
yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo
drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng
emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga
artista?!

Alam niyo iyon?

Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo,
pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka
pang tigilan na ang pagdradrama.

Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos
kami.Bakit naman kami magseselos kung wala
kaming
nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre
iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa
raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas
kapag may nakita nang bago, sino ba ang
mayabang,
sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang
walang choice. Kasi ang babae pag
sinabing &quot;break na tayo&quot; lambingin lang iyan ng
konti balikan blues na iyan.

Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka
diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya.
Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk,
tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.


Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki.
Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung
anu-
ano.

Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.

Kapag pumangit ka after the break up,
magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag
gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong
sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala
sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging
babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi
rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.


Yan ang totoo. Hindi ba? Di tulad nung guy version, sobrang biased. Pwede ba. We're not the bad guys, no. Ah basta.

Posted at 7/20/2005 11:49:54 pm by ayarahh
I don't care how you do it(1)  

Friday, June 10, 2005
Birthdays, Birthdays!

Happy Birthday to

JENNIFER AGUSTIN and MARIO UY-CRUZ!!(June 10)

Happy Birthday na rin to JUSTINE AZUCENA and MARCO ARGANA!!(June 11)

Wow, lahat ng tao lately tumatanda na. I had a great time with Kim, Tyron, Kate, Bianca, at yung bwisit kong kuya Junie kanina. Sobrang kulit nila kaya masaya! Sayang nga lang kailangan nang umuwi ni bday girl.. Jenn.. Sana ok lang sayo yung gift ko.. Sabi nga ni Kim.. It's the uthought that counts.. LMAO. 3 days kami di magkikita ng mga kaibigan ko. Feeling ko mahaba nanaman yun! Zet, pasalubong ko--I mean namin ha..^_^ Oh well.. Masaya yung class namin, sobra. I actually DID NOT expect na magiging warm ang welcome ng teachers sa batch namin after all that happened. Oh well. Sabi pa nga ni Ms.Caparas isa daw kami sa batch na pinakahihintay nya. Hmm. Interesting, isn't it?


Posted at 6/10/2005 11:47:36 pm by ayarahh
somebody  

Thursday, June 02, 2005
As Summer bids us Goodbye

4 days na lang pasukan na.

Honestly, I'm not ready to go to school yet. Sanay na kong late magising. Oh well, as if I can do anything pa. Tapos, starting sa July, for us Seniors, 5pm ang uwian. Nakita ko sa bulleting board nung Monday nung nag-enroll kami. Way unfair. It's kinda weird na Seniors na kami. Parang kailan lang nung freshmen and naive pa kami.--Wait? Naive?? Kailan?! Oh well. Anyway, I'll just put up some pics nung time na nagpunta kami sa Quezon City Circle. I'm telling you, if you wanna save some serious money, go to the park.



My sister, Isabel, My cousin RF and me(well, half of me)



Me and RF



Isabel, me and RF

So there. That's us. To all the Seniors of my school:See you guys sa school. Now that we're the oldest ones na. Yech. I feel so old.



Anyway, to an alternate world naman. I liked this song ever since I heard it last, last, last month pa ata. Basta, tagal na. Sa radio ko unang narinig kaya before any of you saw the video, I already know the song. Anyway, here it is.

Pansinin Mo by Juana

Ngayon nandito na ako di na muling iiwan ka
Pangako sayo di na magkakalayo
Maniwala ka’t magtiwala

Chorus:
Ngunit di mo naman pinapansin mga tawag ko
Di mo naman pinapansin mga sulat ko
‘No ba talaga ang gusto mong gawin ko
Lahat naman ay kayang ibigay sayo
Kahit na mahirap basta’t gusto mo
‘No ba talaga para lang ako’y pansinin mo

Sana nama’y maintindihan mo ako
Lahat nito’y para sayo
Nang ako’y lumayo
Ikaw pa rin ang hanap ko
Ang gusto ko’y sayo lamang
(Repeat Chorus 2x)

               Ngunit di mo naman pinapansin mga tawag ko
               Di mo naman pinapansin mga sulat ko
               ‘No ba talaga ang gusto mong gawin ko
               Lahat naman ay kayang ibigay sayo
               Kahit na mahirap basta’t gusto mo
               ‘No ba talaga para lang ako’y pansinin mo
               Pansinin mo…


Posted at 6/2/2005 5:18:18 pm by ayarahh
somebody  

Tuesday, May 17, 2005
Teh Mantika Fears

I know how to cook now! Yayness naman. Takot pa nga lang ako sa mantika. Haha. XD
School sick ako. I really need to see my friends.. Haay.. Kaso ayoko pa mag-pasukan. Lol. I've gone weirder over the summer. Forgive me.

Posted at 5/17/2005 3:37:54 pm by ayarahh
somebody  

Saturday, May 14, 2005
My gums hurt. Arouch.

Too many things have happened ngayon at sobrang pagod ako. We went to the dentist kanina at currently, ang sakit ng ngipin ko. But it's worth it. Sandali na lang daw aalisin na yung braces ko. Good for me! Ouch.. Ang sakit pa rin.. I can't even eat solid foods.. Argh!! Anyway, umalis for 10 days yung maid namin kaya may mga chores kami.. I'm really tired right now. Sa end of the month, we're gonna go daw to Baguio. I hope na magsaya naman kami after all of these.. ewan. So yun. So, yun. Wow, ang lapit na ng pasukan. Sana ma-shock ang mga kaibigan ko na since last day of school di pa ko nakikita.. Haha.. No joke, sabi nila I lost almost half of my original weight. Haha. Wala kong pera!^_^ Til next time na lang.

Posted at 5/14/2005 10:52:33 pm by ayarahh
somebody  

Saturday, May 07, 2005
Ok.

It's boring. Dapat nasa fiesta ko ng Hagonoy kanina kaso tinamad akong sumama. I asked my mother to bring me food on the way anyway. LOL. Naaasar ako sa friendster kasi pare-parehas ng layout. Whatever. Sige na, tatapusin ko na ang walang kwentang entry na to.

 


Posted at 5/7/2005 5:36:20 pm by ayarahh
somebody  

Friday, May 06, 2005
Me being an On-going Senior is NO joke

Sorry kung di mabilis mag-load yung blog ko. Under construction pa nga, di ba. Ang hirap pala mag-re model ng blog. Chaka ganito lang talaga ko mag-remodel ng blog. Tag kayo sa tagboard ko kung gumagana ba sainyo yung bagong background. Malaking tulong na sakin pag sinabi nyong gumana background. Basta, yan muna lalagay ko for now. Kailangan ko pa mag-aral by myself eh. Di na ko nag-review kasi may mga problema pamilya namin. OK lang naman sakin, at least bawas pa ng gastos nila. Dapat gamitin na lang nila sa ibang bagay yung pang-review ko. Chaka cheaper ang self-study. I'm so lucky to find friends na naiintindihan ako, grabe. Chaka todo support pa. Lalo na kada ko at LJ  friends.^_^.. Anyway, ang dami kong binabasang libro lately. Eleven all in all. I have to read all those books kasi malaki ang chance na isama yun sa Ateneo entrance test, mahirap na. Uulitin ko uli yung Noli Me Tangere kasi db, juniors in kostka, di natin natapos yun during Filipino time. So, yun. Eh may nag-tip sakin na may mga tanong na tungkol sa El Fili at Noli sa test. Whoa, nagiging student na ko. Onga pala, para kay Jenn at Mau, favor, ito na lang itulong nyo sakin. Pano nyo nalagyan ng background ang entries nyo? Astig eh. Haha. Chaka may background sana kong gusto ilagay sa entry ko. Sige na, plsssssss!^______^ I promise I'll help you with anything at all. Lalo na kung may love problem kayo. Love you guys!^___^ Sige, til here na lang. Aral na ko. Hirap pala maging on-going senior.

Posted at 5/6/2005 8:14:20 pm by ayarahh
somebody  

Monday, May 02, 2005
Under Construction

THIS BLOG IS UNDER CONSTRUCTION.

I'll be updating regularly again when I finished making this my blog bluer and prettier. At least I think it will be prettier. You decide.

 




Posted at 5/2/2005 7:33:37 pm by ayarahh
somebody  

Tuesday, April 26, 2005
Leaving You by Session Road



Got this from a session road webpage and I just love this song.

Posted at 4/26/2005 5:33:42 pm by ayarahh
I don't care how you do it(2)  

Sunday, April 24, 2005
Ui, guys, bagong boylet.^_^

It's really hot. Sobra. Sana talaga rainy season na. So, eto, bored nanaman ako as usual. Nakaaway ko nanaman si Junie kanina. Bahala na sya sa buhay nya. Anyway, ayoko na pag-usapan yun. Lately nga pala isang tao lang nakakaalala sakin. Naks naman, nagpaparamdam si Marco! LOL. Ui, good boy yan.. Lol.. Mga walang kwenta lang pinag-uusapan namin. Buti pa sya, tinetext ako di tulad ng IBA dyan.. ^_^.. Pero kanina, while I was buying something at Mercury Drug(Katipunan) after namin mag-simba, I saw this really cute guy. No joke. Tinabihan pa nga ko eh. Nakahalata atang nakatingin ako sakanya. -_-.. Hehe.. Ano ba yan.. Every entry ata may bago akong boylet.. Lol.. Jokingly.. Uhm, so yun, hafta go na.. I'll just bum around.

Posted at 4/24/2005 9:10:18 pm by ayarahh
somebody  

Next Page