I'm worth being me. name: eirah ople (call me 'AYA' pls) age: 15 location: philippines school: kostka qc barkada name: PARCK M&M JZ favorites: color BLUE, BLACK and ORANGE!... superman... music!.. etc.. oh, and pooh bear! ;) Kim's blog | Zet's site | Add me at Myspace! | My sis'(Isabel's) blog | Mau-Mau's blog | Emong's blog | Jenn's blog | my barkada!(kaso kulang) Welcome to Aya's blog!!
   

<< July 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31

I love Pixel Text!

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Wednesday, July 20, 2005
ui! nag-post ako. whoa.

Belated HAPPY BIRTHDAY TO KATE MANIEGO and Gian Maglasang(July11)!! And HAPPY BIRTHDAY NGA PALA TO ME.(inextra eh no.)(JULY 20)

Hala. Feeling ko ang tanda ko na. Uy! Nag-update din ako after a millenium. Wala, na-tripan ko lang. Ang saya ngayong araw kasi I feel loved. Sobra. Thanks sa mga taong nagbigay sakin ng gifts! Love you guys! *mwah* Grabe, feeling ko this is the best birthday, ever. I'm happy. Onga pala, I'll share with you something na nakuha ko. Wait. Diba nakita nyo na to sa blog ni Kim? Eto naman ang GIRL VERSION.

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO...
(tugon kay redrope)
by xristel



Ano ba itong si redrope?

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake,
agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi
maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa
ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-
ibig,
kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami
ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at
iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti
pagkakamalan ka nang malandi. Hindi
pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na
malakas kang mags alita, palengkera ka na. T.O.
kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa
mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita
na
kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at
gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel
ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa
raw ang mahilig mamili?

Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot
ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.

Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get"naman ang tingin sa iyo.

Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing
magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay
niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto
kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala
na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na
ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para
lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang
mabili ito kailangan munang magsakripisyo,
magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan
wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi.

"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag
may gusto akong ipagawa sa iyo."


Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na
loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa
panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit
pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at
laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang
humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang
nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa
iyo

"demanding" ka.

Meron ka pang maririnig na

"I think we need space"

at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing
di dapat kami magpakabait, maging devoted at
faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga
iyan,
iba na ang tingin sa amin.

Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at
kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa
amin

Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo
eh,
macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami,
walang
magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano
pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala
namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand
namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang
namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo
kami, icheck at ipakita s a amin na mahal niyo
kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa
amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity
wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature
sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh,
isip
15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age
group.
Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng
level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati
yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo
drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng
emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga
artista?!

Alam niyo iyon?

Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo,
pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka
pang tigilan na ang pagdradrama.

Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos
kami.Bakit naman kami magseselos kung wala
kaming
nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre
iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa
raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas
kapag may nakita nang bago, sino ba ang
mayabang,
sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang
walang choice. Kasi ang babae pag
sinabing &quot;break na tayo&quot; lambingin lang iyan ng
konti balikan blues na iyan.

Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka
diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya.
Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk,
tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.


Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki.
Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung
anu-
ano.

Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.

Kapag pumangit ka after the break up,
magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag
gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong
sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala
sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging
babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi
rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.


Yan ang totoo. Hindi ba? Di tulad nung guy version, sobrang biased. Pwede ba. We're not the bad guys, no. Ah basta.

Posted at 7/20/2005 11:49:54 pm by ayarahh

kim
July 21, 2005   11:19 PM PDT
 
para saakin mejo totoo yan guys..kaya nga feeling na ng ibang babae wala na kaming silbi sa mundo kundi pagsilbihan ang guy tas kami pa ung iiwan ng guy...tas parang di nyo rin napapansin kung ano ung maarramdamin namin..puro nalang kayo..kayo..kayo...dapat give and take..sana may nagbabasa n2..GIVE AND TAKE!..
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home